Tuesday, June 25, 2013

Anyare?

          Maraming nagtatanong sa akin kung bakit ko daw binura yung blog na matagal kong pinaghirapan at bakit daw mistulang nagbago ang pananaw ko ngayon sa buhay. May mga nanghinayang. May mga nalungkot. May mga nagtaka. At may mga nakikichika. 

          Parang baliw na nahimasmasan. Parang lasing na nahulasan. Parang bata na tumanda. Parang pangit na gumanda. Parang malabo na nalinawan. Parang totoy na natulian.

          Sa madaling salita, nagkaroon ng pagbabago.

          171 na articles ang binura ko sa kabilang blog. Hindi dahil ayaw ko sa mga sinulat ko. Hindi dahil walang kwenta ang mga sinulat ko. Hindi dahil maraming may ayaw sa mga sinulat ko. Kundi dahil alaala ng madidilim na mga nakaraan ang mga sinulat ko. Alaala na minsan akong lumihis sa landas na naitakda para sa akin. Alaala na minsan akong naging matigas ang ulo. Alaala na minsan akong nalugmok sa iba't ibang mga emosyon -- emosyon na sa kahit ano pa mang anggulo tingnan ay hindi makakatulong sa paglago ng aking pagkatao.

           May mga nagsasabing "SAYANG." Sayang daw dahil marami rin namang napupulot na aral sa mga sinulat ko. Sayang daw dahil nakakatuwa din ang mga sinulat ko na patungkol sa mga karaniwang pangyayari sa buhay. Sayang daw dahil may magaganda ring pinupunto ang mga sinusulat ko. Pwes. Narito ako upang sabihing hindi sayang ang lahat. Narito ang kapalit. Sa pagkakataong ito, mas malaman. Mas kapakipakinabang. Mas may kwenta. Mas kapupulutan ng aral.

          May mga nagsasabing "ANYARE." Anyare sayo -- bakit bigla-bigla ka na lang tumino? Anyare sayo -- bakit parang magpapari ka na? Anyare sayo -- bakit nagpapakabanal ka na ngayon? Para sa mga taong nag-iisip ng ganito, easy lang kayo. Mahirap gumawa ng tama kung hindi mo alam kung ano ang tama. Mahirap maging matino kung hindi mo alam kung paano ang maging matino. Mahirap mag-ayos ng buhay kung hindi mo alam kung ano ang maayos na buhay. Pero kung alam mo ang mga bagay na ito. Kung alam mo kung ano ang tama, kung paano ang maging matino, at kung ano ang maayos na buhay, ano ang pumipigil sa iyo na gawin ito? Kung alam mo na ang ginagawa ng isang tao ay para sa mas nakabubuti, sino ka para hadlangan ang pagbabagong ito? Sino ka para manglibak? Sino ka para mang-usig?

          







Pasalamat na rin sa inyo, nalaman kong may lasa ang mga ginagawa ko.


“If we are not receiving some type of ridicule for our beliefs,
we are probably doing something wrong.” --Dillon Burroughs


Related Posts:

  • Top 2 Best Names           When I was a High School Freshman, during the first day of formal lectures, my GenSci (General Science) teacher asked a question addressed to the whole class. We anticipated a very scie… Read More
  • What Drives You?They call this the Golden Circle. I'm not in the mood to explain this theory in my own words so I'll just copy and paste from another source: SOURCE: http://www.mondaysunday.eu/sinekstartwithwhy     &nbs… Read More
  • Meet Peter             Southern Luzon – Bicol Baptist Youth Camp 2014. I was there. And so were 300 others. But among all the other campers, he stood out. Of more than 300 delega… Read More
  • On Your Knees "I want to challenge your prayer life tonight. Because I'll tell you, God never makes a mistake. He has perfection even when He says 'NO' or 'NOT YET'... What [God] is waiting for is obedience to what He has given you - … Read More
  • Fruits of the Spirit The Spirit Galatians 5:22-23 King James Version (KJV) 22 But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, longsuffering, gentleness, goodness, faith, 23 Meekness, temperance: against such there is no law.… Read More

0 comments:

Post a Comment