Wednesday, July 24, 2013

Royal Baby

          Ayon sa BBC News, ipinanganak ang Royal Baby nina Kate at Prince William noong Lunes, July 22, 2013, 4:24 p.m. BST. Inabangan ng maraming tao ang pagsilang ng "third in line to the throne." Maraming na-excite. Maraming natuwa. Maraming namangha. Ako? Nagkumpara

          Nakaka-excite daw kasi maraming tao ang nag-aabang kung ano ang magiging pangalan ng batang ito. Nakakatuwa daw dahil nakakatuwang isipin na ang maliit na sanggol ay isang prinsipe - ang ikatlo sa tagapagmana ng trono. Nakakamangha daw dahil napakaraming tao ang maaaring titingala sa batang ito balang araw.

          Para sa akin? Mahigit 2000 taon ang nakalipas, may nangyari na ring ganito. Mas malupit pa. Pero sa pagkukumapara, parang magkaibang magkaiba.
        
          Nakaka-excite hindi dahil sa magiging pangalan ng Batang yon, kundi dahil sa ibig sabihin ng pangalan ng Batang yon: Immanuel - God with us (Matthew 1:22-23).

          Nakakatuwa hindi dahil ang sanggol ay isang Prinsipe, kundi isa Siyang HARI - Hari ng mga Hari (I Timothy 6:14-15).

          Nakakamangha hindi dahil maaaring maraming tao ang titingala sa Batang yon, kundi dahil LAHAT ng tao ay titingala sa Kanya (Philippians 2:9).



Siya ang totoong Royal Baby.

"Remember when the Royal Baby was born? No media. No worldwide fanfare. Not even a bed. But heaven knew. And sang." -Kevin DeYoung





Related Posts:

  • Fruits of the Spirit The Spirit Galatians 5:22-23 King James Version (KJV) 22 But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, longsuffering, gentleness, goodness, faith, 23 Meekness, temperance: against such there is no law.… Read More
  • On Your Knees "I want to challenge your prayer life tonight. Because I'll tell you, God never makes a mistake. He has perfection even when He says 'NO' or 'NOT YET'... What [God] is waiting for is obedience to what He has given you - … Read More
  • What Drives You?They call this the Golden Circle. I'm not in the mood to explain this theory in my own words so I'll just copy and paste from another source: SOURCE: http://www.mondaysunday.eu/sinekstartwithwhy     &nbs… Read More
  • Meet Peter             Southern Luzon – Bicol Baptist Youth Camp 2014. I was there. And so were 300 others. But among all the other campers, he stood out. Of more than 300 delega… Read More
  • Top 2 Best Names           When I was a High School Freshman, during the first day of formal lectures, my GenSci (General Science) teacher asked a question addressed to the whole class. We anticipated a very scie… Read More

0 comments:

Post a Comment