Tuesday, July 16, 2013

What do you want to be when you grow up?


 “What do you want to be when you grow up?”

           ‘Yan ang pinakanakakabinging tanong na paulit-ulit ipinupukol ng mga kindergarten teachers sa bawat batch ng makukulit na batang dadaan sa kanilang mga kamay. Noong mga panahong ‘yon, “I want to be a doctor” ang pinakamalupit kong sagot. Tapos, dahil iba na ang teacher ko noong Grade 1 ako, nagtanong ulit siya ng parehong tanong. Dahil nagmature na ako ng konti, “I want to be a pilot” na. Masaya na ako sa sagot na ‘yon. At may malupit pa. Aakalain mo bang na noong Grade 2, naulit na naman ang tanong na ito? At dahil mas nagmature pa ako ng konti ulit, “I want to be an astronaut” naman. Ayos ba? Mataas talaga ang mga pangarap ko. Literal. Kinulit na naman ako ng bago kong teacher noong Grade 3. Medyo pinag-isipan ko na yung sagot ko dahil umabot ako ng sampung segundo bago ko nasagot yung tanong. “I want to be a teacher” na! Kahit papaano ay lumalalim ang pananaw ko sa mundo at nagkakaroon na ng importansya sa akin ang magiging kinabukasan ko. Mabuti na lang at hindi na isip-bata yung teachers ko noong Grade 4 at Grade 5 kaya hindi nila inusisa ang “What I want to be when I grow up” ko. Nabigyan din ako ng halos dalawang taon para pag-isipang mabuti ang isasagot ko sa Grade 6 teacher ko kung sakaling batuhin niya ako ng walang kamatayang tanong.

           Tama nga ako. Nagtanong nga s’ya. Pero ngayon, sigurado na ako sa isasagot ko. “When I grow up I want to be a civil engineer.” Naks. Tunog matured at tunog matanda na ako no? Proud pa ako d’yan sa sagot na yan kaya nabigyan ako ng reward na three stomps and three claps galing sa mababait kong kaklase.  Sure na sure na ako nung grade six ako. Masarap yung feeling na makasigurado sa landas na tatahakin ko. Simula first year hanggang third year high school ay “self-proclaimed future engineer” na ako. Ano kaya ang unang project ko? Ilang building kaya ang maititindig ko? Masarap kaya mag-utos sa mga tauhan ko na maghalo sila ng semento? Gumuho kaya ang buildings na maitatayo ko? Ano ang feeling ng maglagay ng lapis sa tenga habang umiinom ng kape at nagbabasa kunwari ng blueprint?

           Fourth Year High School. Decision time na. A step closer to the future ang mga susunod na hakbang ko. Anong isusulat ko sa College appication forms na nasa harapan ko? Anong course ang kukunin ko? At sa isang iglap, naglaho lahat yung mga isinagot ko sa mga naging teachers ko pamula pa noong Kinder ako. Akala ko pa ay siguradong sigurado na ako. Pero sa totoo lang, hindi pala ganun kadali ang pagdedesisyon. Doctor? Pilot? Astronaut? Teacher? Engineer? Hindi pala. Eto pala ang totoong sagot: “Hindi ko alam.”

          Pero bakit ako narito sa kung nasaan ako ngayon? Paano ako napunta sa course ko ngayon? Paano ako napadpad sa kinatatayuan ko ngayon? Anong mga desisyon at hakbang ang ginawa ko? Simple. "Tiwala."

          Oo. Nakakatawang isipin na dahil lang sa "tiwala", ako ay isa nang 3rd Year BS Management student sa Ateneo de Manila. Tiwala saan? Tiwala kanino? Sa sarili ko? Sa scholarship mula sa ninang ko?

          Tiwala. Tiwala sa dapat pagtiwalaan. Tiwala sa may alam ng lahat. Tiwala sa manunulat ng libro ng pagkatao ko. Tiwala lang. Sunod lang. Siya ang may hawak ng master plan. Huwag kumapit sa sariling galing. Kumapit sa mas magaling. Kumapit sa pinakamagaling.


          Proverbs 3:5-6
               5 Trust in the Lord with all thine heart; and lean not unto thine own understanding.
               6 In all thy ways acknowledge Him, and He shall direct thy paths.

          Romans 12:2
               2 And be not conformed to this world: but be ye transformed by the renewing of your mind, that ye may prove what is that good, and acceptable, and perfect will of God.

          Ano nang mangyayari sa akin ngayon?
          Ano na ang sunod na hakbang ko?
          Simple.
          Tiwala pa rin.
          Bahala na si Batman?
          Hindi.
          Bahala na si Lord.


Tiwala lang.
Ays na yun.
The best na yun.




0 comments:

Post a Comment