Wednesday, July 30, 2014

PH 103 - Pilosopiya ng Relihiyon


Long test namin noong isang gabi sa Philosophy of Religion. Ito ang tanong:

"Kung sakaling magising ka isang umaga at nalaman mong wala naman pala talagang Diyos, magbabago ba ang iyong buhay?"

Ito ang sagot (conclusion part lang. Masyadong mahaba yung sagot ko e):

         "Malaking pagbabago ang mangyayari sa aking buhay kung sakaling magising ako isang umaga, at malaman kong wala naman pala talagang Diyos. Mag-iiba ang aking mga ideolohiya. Magbabago ang lahat ng aking mga pananaw sa mga bagay sa aking kapaligiran, may buhay man o wala. Maglalaho sa aking isipan ang imahe ng isang Ama na sa aki'y nagmamahal at kumakalinga. At sa aking paggising sa umagang iyon, kung wala naman pala talagang Diyos, ako'y magmimistulang isang batang ampon na namulat sa katotohanang wala talaga akong ama. Maihahalintulad sa isang gusali na nabuwal ang haligi at mga pundasyon. Marahil hindi iyon ang maging katapusan ng aking pag-iral, subalit panigurado na ang lahat ng aking mga kaisipan, paniniwala, at ideolohiya ay guguho at lalatag sa pinong pinong pagkadurog.
          Kung ang kahulugan ng aking pag-iral ay "Mula sa Diyos, Para sa Diyos," ano na lamang ang magiging saysay ng aking paghinga sa umagang wala naman pala talagang Diyos? Marahil ay bumalik ako sa kawalan, magbubuo ng panibagong pundasyon sa mga gumuhong kaisipan, magpapa-ampon sa panibagong ama na paniniwalaan, at maghahanap ng panibagong dahilan ng aking paggising sa susunod pang mga umaga." (Matienzo, 2014)



Related Posts:

  • Royal Baby          Ayon sa BBC News, ipinanganak ang Royal Baby nina Kate at Prince William noong Lunes, July 22, 2013, 4:24 p.m. BST. Inabangan ng maraming tao ang pagsilang ng "third in l… Read More
  • On Your Knees "I want to challenge your prayer life tonight. Because I'll tell you, God never makes a mistake. He has perfection even when He says 'NO' or 'NOT YET'... What [God] is waiting for is obedience to what He has given you - … Read More
  • Lights in the WorldPhilippians 2:14-16 (KJV) 14 Do all things without murmurings and disputings: 15 That ye may be blameless and harmless, the sons of God, without rebuke, in the midst of a crooked and perverse nation, among whom y… Read More
  • No Limbs, No Problem? Pagod ka na? Di mo na kaya? Sobrang gulo na ng buhay mo? Susuko ka na? Okay. Pero teka. Bago ka umayaw, panoorin mo muna 'to. 36 minutes and 22 seconds lang yan. Wag mong isipin na ikaw na pinakaproblem… Read More
  • What do you want to be when you grow up?  “What do you want to be when you grow up?”            ‘Yan ang pinakanakakabinging tanong na paulit-ulit ipinupukol ng mga kindergarten teachers sa bawat batch ng makukulit na bat… Read More

0 comments:

Post a Comment